^

PSN Palaro

Nakaligtas sa hamon ng Lady Tams: Lady Bulldogs kumakahol pa

AT - Pilipino Star Ngayon

Laro ngayon

(The Arena, San Juan City)

2 p.m. UP vs Adamson

3:30 p.m.  Ateneo vs UST

 

MANILA, Philippines - Nanatiling buhay ang paghahabol sa playoff sa Final Four ng host National University nang lapain ang FEU, 25-19, 25-12, 25-18, sa UAAP women’s volleyball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Si Maricar Nepomuceno ay gumawa ng 18 puntos, tampok ang 16 kills, habang si Dindin Santiago ay mayroong 11 puntos at apat dito ay kinuha sa serve.

Matamlay ang laro ng Lady Tamaraws dahil na rin sa katotohanang talsik na sila sa kompetisyon at ito ay agad na kinapitalisa ng NU na kumuha ng 36-26 bentahe sa attacks, may 11-4 agwat sa blocks at 4-3 kalamangan sa service aces.

“Motivated silang ma­nalo dahil gusto pa nilang lumaban sa playoff,” wika ni NU coach Francis Vicente.

Ang panalo na kinuha sa larong tumagal lamang ng isang oras at 13 minuto ay ikawalo sa 14 na laro ng Lady Bulldogs para mapantayan ang mga panalo ng Adamson at UST na magkasalo sa ikatlo at apat na puwesto sa 8-5 baraha.

Magtatapos ang elimination round ngayong ha­pon at aasa ang Lady Bull­dogs na isa sa Lady Falcons o Lady Tigresses ang matatalo sa kanilang asignatura para magkaroon ng playoff.

Kalaban ng Adamson ang mahinang UP habang ang UST ay masusukat sa pumapangalawang Ate­neo.

Opisyal na inangkin ng nagdedepensang kam­peon na La Salle ang unang puwesto nang panain ang ika-13 sunod na panalo laban sa UE, 25-11, 25-13, 25-15, sa unang laro.

Humataw ng 16 puntos si Vic­to­rana Galang para pamunuan ang atake ng Lady Archers na ginamit ang iba pang players para bigyan ng exposure bilang paghahanda sa krusyal na playoff.

vuukle comment

ADAMSON

DINDIN SANTIAGO

FINAL FOUR

FRANCIS VICENTE

LA SALLE

LADY ARCHERS

LADY BULL

LADY BULLDOGS

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with