^

PSN Palaro

Big Chill sumampa sa solo 2nd

AT - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas

(Ynares Sports Arena, Pasig City)

12 p.m. Café France vs Blackwater Sports

2 p.m. NLEX vs Cebuana Lhuillier

 

 

MANILA, Philippines - Umiskor ng 33 puntos ang Big Chill sa ikalawang yugto upang trangkuhan ang 88-68 panalo laban sa Erase Xfoliant para masolo ang ikalawang puwesto sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Emilio Aguinaldo College Gym.

Ang mga batikang guards na sina Terrence Ro­meo at Mar Villahermosa ay naghatid ng  21 at 19 puntos para pangunahan ang Super Chargers na tinapos ang dalawang dikit na pagkatalo tungo sa pagsulong sa 5-2 baraha.

“Mahalaga itong panalo dahil nakadikit kami uli sa NLEX,” wika ni Big Chill coach Robert Sison.

Solo sa ikalawang puwesto ang koponan dahil ginulat ng Jose Rizal University ang Cagayan Rising Suns sa 103-100 overtime panalo sa unang laro.

Naipasok ni Philip Pania­mogan ang panablang tres sa regulation bago inangkin ni gunner John Vil­larias ang mahalagang tres sa extention na kung saan lumayo na ang Heavy Bombers.

May career-high na 26 puntos si Paniamogan para ibigay din sa tropa ni coach Vergel Meneses ang ikalawang panalo matapos ang anim na laro.

Nalaglag ang Suns na naghabol mula sa 24 puntos, sa 4-3 karta upang ma­lagay sa ikalimang puwes­to sa standings.

 

vuukle comment

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

CAGAYAN RISING SUNS

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE ASPIRANTS

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GYM

ERASE XFOLIANT

HEAVY BOMBERS

JOHN VIL

JOSE RIZAL UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with