^

PSN Palaro

Semis puntirya ng Big Chill at Cagayan

ATan - Pilipino Star Ngayon

Palalakasin uli ng Cagayan Rising Suns at Big Chill ang paghahabol para sa awtomatikong puwesto sa semifinals sa pagharap sa magkaibang kalaban sa pagpapatuloy ng PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa Emilio Aguinaldo College Gym.

May 4-2 karta ang Suns at Super Chargers ngunit kasalo nila sa mahalagang  ikalawang puwesto ang pahingang Blackwater Sports at Café France.

Ang NLEX na nangu­nguna sa liga sa 8-1 baraha ang nakauna na sa  semifinals.

“Dikit-dikit ang mga teams sa itaas kaya maha­la­gang sa amin ang makukuhang panalo,” wika ni Big Chill coach Robert Sison.

Kasukatan ng Super Chargers ang mapanganib na Erase Xfoliant sa alas-2 ng hapon matapos ang unang tagisan sa alas-12 ng tanghali kontra sa pagitan ng Cagayan at Jose Rizal University.

Galing sa dalawang dikit na pagkatalo ang Super Chargers kaya  tiyak na pupukpok nang husto ang koponan para sa panalo.

Hindi naman basta-basta padadaig ang Era­sers na may 2-4 baraha na gusto namang tapusin ang tatlong sunod na kabiguan.

Natalo ang Suns sa NLEX Road Warriors, 75-84, sa huling laro noong Disyembre 4 pero ang mahabang pahinga ay inaasahang ginamit ng koponan para mas mapaghandaan ang Heavy Bombers na may 1-4 baraha.

vuukle comment

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GYM

ERASE XFOLIANT

HEAVY BOMBERS

JOSE RIZAL UNIVERSITY

LEAGUE ASPIRANTS

ROAD WARRIORS

ROBERT SISON

SUPER CHARGERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with