Generals sinandigan si Noube sa 2 panalo

MANILA, Philippines - Dahil sa kanyang pagbibida sa 76-61 panalo ng Emilio Aguinaldo College laban sa College of St.Benilde noong Agosto 4, tinanghal si Cameroonian import Cedric Happi Noube bilang ACCEL/3XVI NCAA Press Corps Player of the Week sa 88th NCAA men’s basketball tournament.

Sa nasabing tagum-pay, kumolekta ang 21-anyos na si Happi Noube ng 18 points, 21 rebounds, 5 assists at 2 steals.

Tinalo ng 6-foot-7 na si Happi Noube para sa naturang karangalan sina San Sebastian star Calvin Abueva at Letran scorer Kevin Alas.

Ang panalo ng Ge-nerals ang tumapos sa kanilang pitong sunod na kamalasan sa pagtiklop ng first round ng eliminasyon.

“Every time happy ako kay Happi,” sabi ni Generals head coach Gerry Esplana kay Happi Noube na pumapangalawa sa NCAA sa rebounding (12.9) at pang lima sa scoring (18.3). “I’m very much satisfied with his work ethic.”

Bago ang panalo sa St. Benilde, nagtala si Happi Noube ng 26 points, 14 boards, 3 blocks, 2 assists at 2 steals sa kanilang 93-94 kabiguan sa San Sebastian noong Hulyo 30.

May 2-7 record nga-yon ang Generals, ang unang panalo ay kontra sa Arellano, 75-72, noong Hunyo 25.

Show comments