Erase Plantcenta naghahanda sa D-League

MANILA, Philippines - Bilang bahagi ng ka­n­i­lang agresibong kampan­ya para lalo pang palakasin ang ko­ponan para sa na­lalapit na 2012 PBA De­velopmental League, ang Erase Plantcenta/Exfoliant ay kasalukuyang nakiki­pag-tagisan ng lakas sa MBL First (Open) Con­­fe­rence basketball champion­ship.

Ang team owner na si Louie Gamboa at ang kan­yang anak na si Marc ang ma­­sigasig na naglahok sa kanilang koponan sa MBL upang lalo pang pag-ibayuhin ang competitive spirit ng kanilang mga pla­yers at mapanatili ang ka­nilang tikas bilang pag­ha­handa sa darating na 2012 PBA D-League,

“Patuloy ang aming team na naghahanap ng pa­raan para la­lo pang pala­kasin ang team at mapa­natili ang competitive edge ni­to bago sumabak sa iba pang mas malalaking pag­subok,” ani Gamboa.

Show comments