^

PSN Palaro

Dolphins kampeon sa BP Series 9

- AT - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Inilabas ni Christian Mag­hanoy ang angking hu­say sa pagpukol habang humataw uli sina Joseph Orillana at Lorenzo Ubu­ngen sa pagpalo upang katampukan ang pamama­yagpag uli ng Cebu Dolphins sa Manila Sharks, 6-1, sa Game Two ng Baseball Philippines Series 9 Finals kahapon sa Rizal Memorial Diamond.

Nilimitahan lamang ng bihirang gamitin na si Maghanoy ang mga ma­mamalo ng Sharks sa pitong hits at isang run sa pitong innings para pangunahan ang 2-0 sweep sa best of three series.

May 10 hits na ginawa ang Dolphins laban sa da­­lawang pitchers at si Joseph Orillana ay naka-homerun sa fourth inning para ibigay ang 2-1 kalamangan bago si Ubungen ay humataw ng run-single upang pag-initin ang dalawang runs na kinamada ng koponan sa seventh para angkinin ang panalo sa 4-1 bentahe.

Ang Fil-Am na si Ubu­ngen ang siyang hinirang bilang Finals MVP matapos maghatid ng kabuuang limang RBIs. Apat dito ay ginawa niya sa kinuhang 8-6 panalo sa Game One noong Sabado.

Ibinulsa naman ng Du­maguete Unibikers ang ikatlong puwesto sa 6-4 panalo sa Alabang Tigers na siyang unang laro.

vuukle comment

ALABANG TIGERS

ANG FIL-AM

BASEBALL PHILIPPINES SERIES

CEBU DOLPHINS

CHRISTIAN MAG

GAME ONE

GAME TWO

JOSEPH ORILLANA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with