Beach handball dadaan sa butas ng karayom

MANILA, Philippines – Makakuha ng karanasan ang target na maabot ng beach handball delegation na lalaro sa 3rd Asian Beach Games sa Haiyang, China mula Hunyo 16-22.

““It’s our baptism of fire really because this is the first international tournament we’ll be joining,” wika ni Dr. Jay Adalem na siyang team manager ng handball na kasama ng ABG delegation na bumisita kahapon sa PSA Forum sa Shakey’s UN Avenue, Manila.

Si Joana Franquelli na dating basketbolista at ka­sapi ng fencing team ang siyang coach ng koponan at aminado siyang dadaan sa butas ng karayom ang kanyang bataan dahil naka­grupo siya sa nagdedepensang China, pumangalawang Thailand, Jordan at Hong Kong.

“The girls are technically and physically prepared but we didn’t know the feel of the game in the international level. Hopefully, we gain much needed experience but the girls will do everything in their capacity to win,” wika ni Franquelli.

Nanguna sa mga bisi­ta ay si Chef de Mission Chippy Espiritu at ang habol la­mang ng delegasyong po­pondohan ng P1.3 mil­yon ng Philippine Sports Commission (PSC) ay ang makadebelop ng mga manlalaro para sa mga panghinaharap na edisyon ng torneo.

“We hope to be able to really develop our athletes in the sports of the Asian Beach Games,” wika ni Espiritu na sinamahan ni na deputy chef de mission Moying Martelino.

Lalaban din ang Pilipinas sa larangan ng dragon boat at women’s beach basketball at sa dragon boat umaasa ang bansa para makahablot ng medalya.

May 16 male paddlers ang ilalaban sa dragon boat at mataas ang kumpiyansa ng mga kasapi matapos ta­bunan ang kanilang SEAG record sa 500m na 1:54 tungo sa 1:47.87 sa idinaos na 2nd POC-PSC Philippine National Games sa Lake Caliraya sa Laguna kamakailan.

 Lalaban ang pambato ng bansa sa 10-seater 200m, 500, at 3000m.

Show comments