^

PSN Palaro

Celtics isinalba sa tangkang sweep ng Heat; Kevin humataw

-

BOSTON--Sa unang pagkakataon sa Eastern Con­ference finals, pinaglaruan ng Boston Celtics ang Miami Heat.

“I’m getting crap about my form, but I want people to know it’s because it was on my knuckles,’” ani Kevin Garnett sa locker room matapos igiya ang Boston sa 101-91 panalo laban sa Miami sa Game 3 at ilapit ang kanilang best-of-seven series sa 1-2.

Isang hard foul ang natanggap ni Garnett kay Udonis Haslem sa ilalim ng kanilang court. At imbes na magalit ay nag-push up si Garnett.

“That’s old school. My uncle taught me to do pushups on my knuckles. That’s some Army-Navy stuff,” ani Garnett.

Humakot si Garnett ng 24 points at 11 rebounds, habang may 23 points si Paul Pierce at nagdagdag si Rajon Rondo ng 21 points at 10 assists para sa Celtics na naiwasang maibaon ng Celtics sa 0-3 sa kanilang serye.

Nakatakda ang Game 4 sa Linggo sa Boston.

Tumipa naman si LeBron James ng 34 points, ngunit nanlamig ang NBA MVP at ang buong Miami sa isang seven-minute stretch sa dulo ng first quarter at sa simula ng second period.

Mula sa isang nine-point lead, pinalobo ng Celtics ang kanilang kalamangan sa 24 points sa pagsisimula ng fourth quarter.

Nakalapit ang Miami sa 87-95 mula sa tatlong 3-poin­ters ni Mike Miller kasunod ang turnover at mintis na 3-pointer ni James sa huling dalawang minuto ng laro.

‘’You’re trying to fight back the whole time,’’ wika ni James, umiskor ng 16 points sa first quarter bago nalimita sa 4 points sa fourth quarter.

vuukle comment

BOSTON CELTICS

EASTERN CON

KEVIN GARNETT

MIAMI HEAT

MIKE MILLER

PAUL PIERCE

POINTS

RAJON RONDO

UDONIS HASLEM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with