CV overall champion
() - April 28, 2012 - 12:00am

CEBU CITY, Philippines --Ipinagpatuloy ng Central Visayas ang dominasyon sa ibang event upang ganap na angkinin ang overall championship ng PRISAA National Games kahapon dito.

Ang mga panalo sa bo­xing, women’s indoor at beach volleyball, table tennis at men’s football ang nagbigay sa mga atleta ng Region 7 bilang mga overall winners sa ikalawang sunod na pagkakataon.

Sa natiitrang men’s basketball title na pinaglabanan kahapon, nasa tuktok na ang Central Visayas sa ka­­nilang nakolektang 108 golds, 43 silvers at 36 bron­zes kasunod ang Western Visayas (Region 6) (59-47-49) at Region 4-A (44-36-42).

Ang mga Central Visa­yas bets ay kumuha ng apat sa nakatayang walong gold medals sa boxing.

Bumandera din ang Central Visayas sa table ten­nis nang manguna sa lima sa pitong events, kasama dito ang pagwalis sa men’s at women’s doubles, women’s team, doubles at mixed doubles.

BUMANDERA CENTRAL CENTRAL VISA CENTRAL VISAYAS IPINAGPATULOY NATIONAL GAMES SHY WESTERN VISAYAS
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with