^

PSN Palaro

Lady Stags hahataw ng 2 dikit na panalo vs Falcons

- Ni RC -

MANILA, Philippines - Pupuntiryahin ng San Sebastian College ang ka­nilang ikalawang sunod na panalo sa pakikipagharap sa Adamson University sa hangaring banderahan ang Group B sa Shakey’s V-League ninth season sa The Arena sa San Juan.

Magtatapat ang Lady Stags, tinalo ang Letran La­dy Knights noong Martes, ang Lady Falcons ngayong alas-6 ng gabi.

Bukod sa San Sebastian, umiskor din ng pana­lo ang nagdedepensang Ateneo De Manila University laban sa Far Eastern University kamakalawa sa pagbubukas ng torneo.

Sa unang laro sa alas-2 ng hapon ay maglalaban naman ang University of Perpetual Help at National University sa Group A kasunod ang banggaan ng Letran at nagbabalik na six-time champions University of Sto. Tomas sa alas-4 sa Group B.

Muling sasandigan ng San Sebastian si Thai hitter Jang Baulee, humataw ng 24 points sa kanilang panalo kontra sa Letran, katuwang sina Analyn Joy Benito, Dafna Robinos at top setter Rubie de Leon.

Ipaparada naman ng Adamson ang mga guest players na sina dating MVP Nene Bautista at Angela Benting.

Sa ikalawang laban, aasahan ng Tigresses sina dating MVP Mary Jean Balse at Thai guest player Kunbang Pompimol kontra sa Lady Knights na hangad makabangon sa pagkatalo sa Lady Stags.

ADAMSON UNIVERSITY

ANALYN JOY BENITO

ANGELA BENTING

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

DAFNA ROBINOS

FAR EASTERN UNIVERSITY

GROUP A

GROUP B

LADY STAGS

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with