Vitamilk saludo sa Phl Azkals

MANILA, Philippines - Binigyan ng pagpupugay ng Vitamilk ang naabot na ikatlong puwesto ng Philippine Azkals sa idinaos na AFC Challenge Cup sa Nepal.

“Vitamilk salutes the Azkals in their amazing win. It proved that Filipinos have a place in the sport of football,” wika ni brand manager Francis Tan.

Ang Vitamilk ang tumayong tagapagtaguyod nang kinaharap ng Azkals ang Malaysia sa isang friendly game sa Rizal Memorial Football pitch noong nakaraang buwan.

“The Azkals success will further instill the importance of living an active and healthy lifestyle through sports,” dagdag pa ni Tan.

Ibinandera ni Phil Young­­husband ang ma­gan­dang ipinakita ng Azkals nang magtala ito ng anim na goals para kunin din ang Golden Boot award.

Ang Vitamilk ay gawa mula sa masustansyang soy beans at nakakatulong para sa muscle development at pagpapatibay ng buto bukod pa sa pagpapalakas ng puso.

Ito ay mababa sa cho­les­terol at akma na maging inumin ng mga bata at ma­tatanda.

Show comments