Viloria tatapusin na si Romero
- Ni RCadayona () - March 9, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Hangad ni Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria na wakasan ang kanilang ‘tri­logy’ ni Omar Nino Romero ng Mexico sa pamamagitan ng isang knockout.

Si Romero ang uma­gaw sa dating suot na World Boxing Council (WBC) light flyweight belt ni Viloria noong Agosto ng 2006, sa Abril 1 sa Maynila.

Ngunit muling napasa­kamay ni Viloria ang korona nang bawiin ito ng WBC kay Romero matapos ma­ging positibo sa paggamit ng banned substance sa kanilang rematch noong Nobyembre ng 2006.

Ito ang pangatlong pagkakataon na maghaharap sina Viloria (30-3-0, 17 KOs) at Romero (30-4-2, 12 KOs) matapos noong Agosto at Nobyembre ng 2006.

“We’ve had a loss and draw, changed to a no contest, and that was my first loss. It kind of set the tone for how my career would go,” ani Viloria.

Ang kanilang ikatlong pagkikita ang inaasahan ni Viloria na magwawakas sa kanilang iringan ni Romero.

Itataya ni Viloria ang kanyang hawak na World Boxing Organization (WBO) flyweight crown laban kay Romero sa Marso 31 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

AGOSTO HAWAIIAN PUNCH NOBYEMBRE OMAR NINO ROMERO PASIG CITY SI ROMERO VILORIA WORLD BOXING COUNCIL WORLD BOXING ORGANIZATION YNARES SPORTS ARENA
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with