B-Meg Derby Ace sa Roligon anniversary derby

MANILA, Philippines - Umaabot sa P2 milyon ang papremyo sa Roligon Mega Cockpit 22nd anni­versary 5-cock derby na suportado ng B-MEG Derby Ace sa Quirino Ave­nue, Barangay Tambo, Parañaque nitong darating na Pebrero 6 at 9.

Dagdag pa sa naturang guaranteed prize ay ang pot money na nagkakaha­laga ng P11,000. Ang mananalong handler at gaffer naman ay magbubulsa ng P70,000 at P35,000 ayon sa pagkakasunod. Ang mi­nimum bet ay P5,500 lamang.

Sa 3-cock eliminations naman na gaganapin sa Pebrero 6 ay mayroong gua­ranteed prize na P100,000 habang ang ma­nanalong handler at gaffer naman mayroong P20,000 at P10,000 ayon sa pagkakasunod.

Ang weight limit sa championship round sa Pebrero 9 ay 1.8-2.4 kgs at ang pagsumite ng mga timbang ay isang araw ba­go ang derby (alas-9 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi). Ang derby ay sa ilalim ng Team Roligon at ang host ay si Dennis Ligon.

Para sa iba pang impormasyon, tumawag lamang sa teleponong 8512275 at 8531638 o mga cell phone numbers na 09209509090 (Shirly), 09084320829 (Mario), 09166584106 (Nestor) 09284965005 (Tiling) at 09192702110 (Jeng).

Show comments