Phl Patriots pinulutan ang Bangkok Cobras

MANILA, Philippines - Naghatid ng numerong inaasahan ang mga imports ng AirAsia Philippine Patriots tungo sa 86-58 panalo laban sa expansion team ng Thailand na Bangkok Cobras sa pagbubukas ng 3rd ASEAN Basketball League kahapon sa San Juan Gym.

Ang nagdedepensang Best Import ng liga na si Nakiea Miller ay tumapos na may 24 puntos, 18 rebounds, 4 blocks at 2 steals, habang si Anthony Johnson ay may 17 puntos at 5 rebounds para pangunahan ang Patriots.

Sa first half pa lamang ay nagtrabaho na si Miller nang magbagsak ng 20 puntos, habang 10 ang ginawa ni Johnson para agad na itulak ang Patriots sa 51-23 kalamangan.

Sina Ybañez, Fernandez at Ardy Larong ay nagsanib sa 25 puntos.

“Nandoon ang opensa namin. But for us to control the game, we have to control the rebounding para masimulan ang fastbreak namin at ito nga ang nangyari.,” wika ni bagong Patriots coach Glenn Capacio.

Ang panalo ay magandang regalo rin kay team mana­ger Erick Arejola na nagdiwang ng kaarawan kahapon.

Show comments