7th leg ng motocross at 8th leg ng JYL CEO Invitational series

MANILA, Philippines - Muling masasaksihan ang pamosong drama at aksyon sa 7th Leg ng 2011 Philippine National Motocross Series at 8th Leg ng JYL CEO Invitational Se­ries na humarurot noong na­karaang buwan sa Moli­no, Ca­vite.

Saksihan ang husay at pakitang-gilas sa Moto­cross, sa pangunguna ng be­­teranong rider at Moto­cross Poster boy na si Glen Aguilar.

Muli niyang patutunayan ang kanyang superyoridad sa dirt arena.

Panoorin rin ang celebri­ty rider na si Sam Milby na patutunayan hindi lamang sa kanyang husay na pag­ga­nap sa mga pelikula kundi ga­yundin sa pag-mekaniko at mapalakas ang kanyang custom-made motor bike.

Ang lahat ng ito ay mapapanood sa SelJ Sports Motocross TV sa Studio 23. 

Show comments