Pacquiao, Marquez bumiyahe na sa US

MANILA, Philippines - Nakatakdang magkitang muli sina Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez bukas (Manila time) sa Chelsea Piers sa Pier 60 sa New York City para sa kanilang World Press Tour.

Magkasunod na umalis sina Pacquiao at Marquez kahapon ng umaga patu­ngong United States para sa ikalawang pagtigil sa kanilang four-city global press tour sa New York.

Mula sa New York ay bibiyahe na ang Team Pacquiao sa Los Angeles para magpainit.

“Didiretso kami ng New York, after New York, LA (Los Angeles),” wika ni Pacquiao, may 53-3-2 win-loss-draw ring record kasama ang 38 KOs, at itataya ang kanyang suot na WBO welterweight title laban kay Marquez (53-5-1, 39 KOs) sa Nobyembre 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Naging matagumpay ang pagsisimula ng World Press Tour nina Pacquiao at Marquez sa Quirino Grandstand sa Luneta Park noong Sabado.

Sa Manila Hotel rin mu­ling nagkaharap ang 32-anyos si Pacquiao at ang 38-anyos na si Marquez sa isang press conference matapos ang kanilang mga laban noong Mayo ng 2004 at Hunyo ng 2008.

“It was terrific. It was a great press conference,” wika ni Bob Arum ng Top Rank Promotions.

Parehong knockout ang ipinangako nina Pacquiao at Marquez na kanilang gagawin sa kanilang ‘trilo­gy’.

Mula sa New York City, didiretso sina Pacuiao at Marquez sa Beverly Hills sa Setyembre 7 bago magwakas sa Mexico City sa Setyembre 8.  

Show comments