Baste lalayo pa

MANILA, Philippines -Palawigin ang kani-ka­nilang winning streak na magbibigay daan para maipagpatuloy ang kapit sa inookupahang puwesto ang balak ng San Sebastian College at Letran sa pagbabalik-aksyon ng 87th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ika-11 sunod na panalo ang nakaumang sa Stags sa pagbangga sa Arellano University sa unang bakbakan na alas-2 ng hapon.

Napahinga sa loob ng siyam na araw ang Stags dahil huling laro nila ay kontra sa Emilio Aguinaldo College na kanilang dinurog, 99-63.

Ang Knights ay masa­sa­­lang din sa hapong ito laban sa Jose Rizal University dakong alas-4.

May 8-2 karta ang Knights at may 4-game win­ning streak at kasama nga sa kanilang tinalo ay ang Heavy Bombers sa 70-59 iskor.

Show comments