^

PSN Palaro

Ateneo, Baste pag-aagawan ang liderato

- Ni RCadayona -

MANILA, Philippines - Hangad ng Lady Stags na mapanatili ang mainit nilang laro, habang pipilitin naman ng Lady Eagles na makabangon mula sa isang kabiguan.

Nakatakdang pag-aga­wan ng Ateneo De Ma­ni­la University at ng San Se­bastian College ang li­­derato ngayong alas-4 ng ha­pon matapos ang laba­nan ng Philippine Air Force at Perpetual Help sa alas-2 sa Shakey’s V-League Open Conference sa The Are­na sa San Juan.

May 2-0 rekord ang Phi­lippine Army kasunod ang Ateneo (2-1), San Seba­s­tian (2-1), Philippine Navy (1-1), Maynilad (1-1), Air Force (1-2) at Perpetual (0-3).

Nagmula ang Lady Eagles sa 21-25, 24-26, 25-20, 31-29 pagyukod sa Air Women na pumigil sa ka­nilang two-game winning run.

Isang 25-18, 25-17, 25-13 tagumpay naman ang inilista ng Lady Stags laban sa Lady Altas.

Muling ibabandera ng Ate­neo sina Alyssa Valdez, Fille Cainglet, Angeline Gervacio, Gretchen Ho at Jamenea Ferrer, tumulong sa Lady Eagles sa korona kontra Adamson Lady Falcons sa first conference.

Naglista sina Cainglet at Valdez ng 19 at 18 hits averages, ayon sa pagkakasunod, para sa Lady Eagles.

Sasandigan naman ng San Sebastian ang lea­ding spiker na si American guest player Lauren Ford katuwang sina Thai import Jang Baulee, Mary Jane Pepito, Jill Gustilo, Joy Benito, Dafna Robi-os at guest players Janette Doria at Rubie de Leon.

Sa unang laro, bibigyan ng malaking bentahe ang Air Force sa pamamagitan nina dating Most Valuable Players Aiza Maizo at Cherry Macatangay kontra Perpetual sa torneong inihahandog ng Shakey’s, Mikasa, Accel, Mikasa at Maynilad Water.

vuukle comment

ADAMSON LADY FALCONS

AIR FORCE

AIR WOMEN

ALYSSA VALDEZ

ANGELINE GERVACIO

ATENEO DE MA

LADY

LADY EAGLES

LADY STAGS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with