Pacquiao, Chavez Jr., sabay magsasanay

MANILA, Philippines - Sabay na magsasanay sina word eight-division champion Manny Pac­quiao at world middleweight king Julio Cesar Chavez sa ila­lim ni Freddie Roach sa Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, California.

Ito ang inihayag kaha­pon ni strength and conditioning guru Alex Ariza sa panayam ng RingTV.com. 

Bukod sa Wild Card, magsasanay rin ang 32-an­yos na si Pacquiao sa Baguio City kung saan isasama rin nila ang 25-anyos na si Chavez, anak ni Mexican boxing legend Julio Cesar Chavez, Sr.

“We’re going to make arrangements for them to be out here (Wild Card) or Julio will spend at least three weeks in the Philippines with us. That schedule will be left up to Julio’s management, Billy Keane, and Freddie Roach,” ani Ariza.

 Idedepensa ni Pacquiao ang kanyang suot na WBO welterweight belt laban kay Juan Manuel Marquez sa Nobyembre 12, habang itataya ni Chavez ang kanyang WBC middleweight title kontra kay Peter Manfredo Jr. sa Nobyembre 17.

Darating sa bansa si Marquez sa Setyembre 3 para sa kanilang promotional tour ni Pacquiao.

Samantala, bagamat halos ubos na ang tiket para sa trilogy nina Pacquiao at Marquez, hindi pa rin pumipirma ng fight contract ang Filipino world eight-division champion. Ayon sa isang source, hindi nagustuhan ng VisionQwest, ang kinuhang accounting firm ni Pac­quiao sa Los Angeles, Ca­lifornia, ang $20 milyong prize purse na inihanda ng Top Ranks ni Bob Arum.

Show comments