Allowance ng mga atleta, opisyales itinaas ng PSC

MANILA, Philippines - Itinaas ng Philippine Sports Commission (PSC) ang monthly allowance ng mga national athletes at coaches pati na ang opisyales ng mga National Sports Association (NSAs) na sasali sa mga international competitions.

Simula ngayong buwan, ang PSC ay magbibigay ng $125 a day allowance.

Ito ay nahahati sa $60 pa­ra sa allowance at $65 pa­ra sa accommodation sa mga official delegation mem­bers na magtutungo sa Korea, Japan, Europe at Americas.

Ang dating ibinigay ng PSC ay $80. Ang $30 ay para sa allowance at $50 ay para sa accommodation.

Show comments