^

PSN Palaro

Racela tiwala sa kanyang mga manlalaro sa FIBA Asia U-16 C'ships

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Tiwala ang bagitong national coach na si Olsen Racela na nasa kanya ang manlalaro na maaaring magresulta sa tagumpay sa FIBA Asia Under 16 Cham­pionship sa Vietnam mula Oktubre 18 hanggang 28.

Umabot sa 20 ang mga edad 15-anyos pababa ang bumubuo sa pool na nakuha matapos suriin hindi lamang ni Racela kundi pati ng isang selection committee na binuo ng mga matitinik na juniors coa­ches ang mga nagsidalo sa isina­gawang tryouts.

Ang mga manlalarong bubuo sa Energen Pilipinas U23 team at sasandalan na tapatan o higitan ang ika­apat na pagtatapos na ginawa noong 2009 ng No­kia U-16 ni coach Eric Altamirano ay sina Gideon Ira Babilonia, Joshua Dave Aguilon, Rodolfo Alejandro III,Renzar Henry Asilum, Janhubert Angelo Cani, Jo­shua Andrei Caracut, Adven Jess Diputado, John Jose Domingo, Michael Jay Javelosa, Kyles Jefferson Lao, Izak Kiefer Lim, Peter Amiel Murphy, Daryl Louie Pascual, Tomas Gabriel Ramos, Rashleigh Paolo Rivero, Henri Lorenzo Su­bi­do, Arvin Dave Tolentino, Ranbill Angelo Tongco, Christopher Angelo Vito at Isaac Go.

“Ito na ang team natin. Maaari pa kaming magpasok ng Fil-foreigners kung siya ay 6’7 o 6’8 pero kung wala, ito na ang grupo,” wika ni Racela na kareretiro lamang sa paglalaro sa PBA.

Nabuo lamang ang pool noong nakaraang linggo at sila ay isinabak sa exhibition game laban sa dating koponan ng U16 at U18 kahapon sa The Arena sa San Juan. Gaya ng dapat asahan, natalo ang batang ko­ponan, 68-88.

“Ito pa lamang ang first game nila at makikita mo na kinakabahan pa. This team is a working progress at naniniwala akong nasa team na ito ang pinakamahuhusay na manlalaro at makakasunod sa sistemang gagawin namin,” dagdag pa ni Racela.

Para mahasa, ang ko­ponan ay tutulak sa India­na, USA sa Abril 9 para sa 10-day skills and conditio­ning camp sa ilalim ni Ed Schilling.

Matapos ito ay isasalang sila sa mga kompetisyon tulad ng Fil-Oil Flying V Summer Tournament bukod pa sa pagdayo para sa pocket tournaments.

vuukle comment

ADVEN JESS DIPUTADO

ANDREI CARACUT

ARVIN DAVE TOLENTINO

ASIA UNDER

CHRISTOPHER ANGELO VITO

DARYL LOUIE PASCUAL

ED SCHILLING

ENERGEN PILIPINAS

RACELA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with