^

PSN Palaro

Nationals lalapit sa outright semis vs Llamados

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Ang kanilang pang anim na sunod na arangkada ang hangad ng Na­tio­nals, habang puntirya naman ng Tigers at Bolts ang kani-kanilang ikalawang dikit na panalo.

Sasagupain ng Smart-Gilas Pilipinas ang Derby Ace ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang salpukan ng Powerade at Meralco sa alas-5 ng hapon sa elimination round ng 2011 PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum.

Sa bisa ng kanilang 5-0 rekord, nasikwat na ng Nationals ang unang playoff berth.

Nasa ilalim ng Smart-Gilas ang may playoff seat na ring Talk ‘N Text (5-1), Alaska (4-2), Barangay Ginebra (4-2), Rain or Shine (3-3), Air21 (2-4), Powerade (2-4), Meralco (1-4) at San Miguel (1-5).

Sa 99-94 panalo ng Na­tio­nals sa Elasto Painters noong Biyernes, tumipa si guard JV Casio ng team-high 29 points, habang may 23 points at 18 rebounds si 6-foot-11 Marcus Douthit.

Humugot naman si Chris Tiu ng 11 sa kanyang 22 markers sa fourth quarter.

“We’re getting better and better every game and I’m very satisfied,” sabi ni Serbian coach Rajko Toroman sa Smart-Gilas na ha­harapin ang Derby Ace na nagmula sa masaklap na 86-89 kabiguan sa Me­ralco noong Biyernes.

Ang nasabing torneo ang ginagamit ng Nationals para sa kanilang pagsabak sa 2011 FIBA-Asia Men’s Championships sa China sa Setyembre.

Kagaya naman ng Bolts, nanggaling rin sa panalo ang Tigers sa 99-91 panalo kontra Beermen na tinampukan ng 35 points ni Gary David.

Samantala, kung patuloy ang matamlay na paglalaro ni NBA veteran Hassan Adams ay mapi­pilitan na ang Elasto Painters na humanap ng kanyang kapalit.

“The reason for our downfall in our last three games was based on two things. One, our import’s game went down, while the second one was our poor free throw shooting,” ani Rain or Shine mentor Yeng Guiao sa kanilang three-game losing skid ngayon.  

Kaugnay nito, nakapasa sa height limit si Jason Davis bilang kapalit ni San Miguel import David Young.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

ASIA MEN

BARANGAY GINEBRA

BIYERNES

CHRIS TIU

DAVID YOUNG

DERBY ACE

ELASTO PAINTERS

GARY DAVID

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with