^

PSN Palaro

2019 SEA Games ibinigay sa Cambodia

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng pagkakataon ang Cambodia na tumayo bilang punong abala sa South East Asian Games.

Napagkasunduan ng mga kasaping bansa na ibigay sa Cambodia ang 2019 hosting ng SEAG upang lahat ng founding members ng SEAG ay nakapagdaos na ng nasabing kompetisyon.

Sa idinaos na SEA Games Federation meeting sa Bali, Indonesia noong nakaraang buwan pinag-usa­pan at sinang-ayunan ang plano at magkakaroon ng sapat na panahon ang Cambodia para matiyak ang matagumpay na hosting na ito.

Ang Cambodia ay kasama ng Thailand, Malaysia, Vietnam, Myanmar at Pilipinas na mga founding members ng SEA Games na itinatag noong 1959 at unang nakilala bilang Southeast Asian Peninsular Games.

Ang Thailand nga ang may pinakamaraming bilang ng hosting na anim habang ang Malaysia ay may lima, ang Manila ay nakatatlo, ang Myanmar ay nakadalawa at ang Laos at Vietnam tig-isa.

Ang Myanmar na tumayong host sa ikalawang edis­yon noong 1961 ay magho-host sa ikalawang pag­­kakataon sa 2013.   

vuukle comment

ANG CAMBODIA

ANG MYANMAR

ANG THAILAND

GAMES FEDERATION

MAGKAKAROON

MYANMAR

NAPAGKASUNDUAN

PILIPINAS

SOUTH EAST ASIAN GAMES

SOUTHEAST ASIAN PENINSULAR GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with