^

PSN Palaro

Bakbakang Julaton, Alcanter ngayon na

-

MANILA, Philippines - Maalpasan ang maiko­konsidera bilang matinding hamon sa boxing career ang pakay ni Ana Julaton ngayon sa pagtaya niya sa hawak na World Bo­xing Organization (WBO) super bantamweight title laban sa mas malaking si Fran­chesca Alcanter sa Craneway Pavilion Point Richmond sa California.

Idedepensa ng 30-an­yos na si Julaton ang titulong napanalunan noong Hulyo, 2010 laban kay Ma­ria Elena Villalobos sa pa­mamagitan ng split decision sa unang pagka­ka­taon at hindi magi­ging ma­dali ang tangkang ito dahil beterano ang 37-anyos na katunggali.

Tinaguriang “The Chosen One” si Alcanter ay mag­tatangka na makaha­wak ng lehitimong titulo sa unang pagkakataon ba­gamat hindi naman ito unang title fight niya sa kanyang career na kinapa­looban ng 31 fights at 18 panalo kasama ang 9 knock­outs.

May naunang tatlong title fights na hinarap si Al­canter at dalawa rito ay laban kay Jelena Mrdjenovich noong 2005 at 2006 para sa WBC at WIBF su­per featherweight titles na kung saan natalo siya sa pamamagitan ng 6th round at 5th round KO, ayon sa pagkakasunod.

Huling salang nito sa title fight ay noong Mayo 2, 2009 kontra kay Ina men­zer para sa WBC at WIBF featherweight at sa unanimous decision kabi­guan nauwi ang nasabing laban.

Nagpahinga si Alcanter mula rito at ngayon lamang sasalang uli sa laban pero tiniyak niyang handa niyang hiyain si Julaton sa kan­yang pagbabalik laban sa California.

Kailangan umano niyang manalo sa pama­magitan ng KO dahil sa pangambang papaboran si Julaton ng mga hurado da­hil taga-California ito.

Wala naman naging problema sa timbang ng dalawa dahil sobrang baba ang kanilang timbang nang si Julaton ay pumasok sa 116.5 pounds habang nasa 118 pounds si Alcanter para sa 122 pound limit. Ang na­sabing laban ay ma­papa­nood naman ng mga Filipino boxing fans dahil isasaere ito ng TV5 at Ak­syon TV41 mula alas-12 ng tanghali. (Angeline Tan)

vuukle comment

ALCANTER

ANA JULATON

ANGELINE TAN

CHOSEN ONE

CRANEWAY PAVILION POINT RICHMOND

ELENA VILLALOBOS

JULATON

LABAN

SHY

WORLD BO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with