Tabla uli kay So

MANILA, Philippines - Bunga ng kabiguang makakuha ng panalo gamit ang puting piyesa, nakuntento na lamang si Filipino Grand Master Wesley So sa isang draw laban kay GM Zahar Efimenko sa fourth round ng 73rd Corus B Chess Championship at de Moriaan Community Center sa Wijk Aan Zee, The Netherlands.

Naging agresibo ang 17-anyos na si So laban sa higher-rated Ukrainian sa kanilang four-hour duel hanggang itulak ni Efimenko ang draw sa isang knight vs bishop endgame.

Ito ang ikaapat na su­nod na draw ni So para ma­katabla sa sixth place sa naturang 14-player, C­a-tegory 17 tournament.

Si So ay nasa ilalim nina GM Luke McShane ng England, Efimenko, GM Gabriel Sargissian, GM Laurent Fressinet ng France at GM David Navara ng Czech Republic.

Si McShane, winalis ang una niyang tatlong laro, ay nakipaghati ng puntos kay GM Friso Nijboer ng The Netherlands para sa kanyang one-point lead.

Show comments