^

PSN Palaro

Texters sa finals na

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines –  Tuluyan nang tinapos ng Tropang Texters ang kanilang semifinals series ng Llamados.

Winakasan ng Talk ‘N Text ang kanilang best-of-seven semifinals showdown ng nagdedepensang Derby Ace maapos kunin ang 89-72 panalo sa Game Six upang umabante sa pang siyam na finals appearance at pang apat sa PBA Philippine Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Target ng Tropang Texters, isinara ang kanilang serye ng Llamados sa 4-2, ang kanilang pangatlong PBA crown matapos pag­harian ang Philippine Cup noong 2003 sa ilalim ni Joel Banal at noong 2008-2009 season sa paggabay ni Chot Reyes.

“Everybody talks about our ability to score but I think the games that we won in this series we won with our defense, so hopefully we can sustain that defense in the finals against San Mi­guel or Ginebra,” sabi ni Reyes. 

Asam ni Reyes, nasa kanyang pang 11th finals stint, ang kanyang ikaanim na PBA title na magtatabla sa kanya kay Tommy Ma­not­oc sa ilalim nina Baby Dalupan (15), Tim Cone (13), Norman Black (11) at Jong Uichico (8).

Simula noong 1985, anim na koponan lamang ang nakapasok sa finals ng All-Filipino Cup matapos nila itong pagharian. Ang mga naghangad ng kani­lang back-to-back All-Filipino Cup title at nabigo ay ang Toyota (1979), Purefoods (1992), San Miguel (1993), Coney Island (1994), Coca-Cola (2003) at Talk ‘N Text (2004-05).

Ito ang pang 26 taon na walang tropang nakapag­depensa ng kanilang All-Filipino Cup. Ang huling nakagawa nito ay ang Great Taste noong 1985.

Mula sa 19-18 lamang sa first period, pinalobo ng Tropang Texters ang ka­nilang bentahe sa 16 pun­tos, 38-22, sa 4:07 ng second quarter mula sa tat­long magkasunod na bas­ket ni Jason Castro pa­tungo sa 53-37 pagbaon sa Llamados sa 7:37 ng third canto.

Pinalaki pa ng Talk ‘N Text ang kanilang kalama­ngan sa 20 puntos, 73-53, sa huling 14.5 segundo buhat sa basket ni Aaron Aban, humugot ng 10 points sa first half.

Sapat na ito para tuluyan nang angkinin ng PLDT franchise ang unang finals berth.

Umiskor naman si two-time PBA Most Valuable Pla­yer James Yap ng 16 points para sa Llamados kasunod ang tig-15 nina Rico Maierhofer at PJ Simon at 10 ni Marc Pingris, humaltak ng 13 boards at 2 assists.

Talk N’ Text 89 - Peek 19, Castro 18, Aban 14, De Ocampo 9, Carey 9, Williams 6, Fonacier 5, Reyes 4, Dillinger 3, Alapag 2, Alvarez 0.

B-Meg Derby Ace 72 - Yap J. 16, Maierhofer 15, Simon 15, Pingris 10, Yap R. 6, Salvador 4, Canaleta 4, Villanueva 2, Gaco 0, Allado 0.

Quarterscores: 19-18, 42-35, 73-53, 89-72.

vuukle comment

AARON ABAN

ALL-FILIPINO CUP

ARANETA COLISEUM

B-MEG DERBY ACE

LLAMADOS

N TEXT

PHILIPPINE CUP

REYES

SHY

TROPANG TEXTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with