Junior Altas winalis ang elims, NCAA top spot inupuan

MANILA, Philippines –  Itataya ng University of Perpetual Help System Dal­­ta ang kanilang korona laban sa Arellano University sa paghataw ng semifinal round ng 86th National Collegiate Athletics Association (NCAA) juniors’ volleyball tournament sa Enero 6 sa Emilio Aguinaldo College Gym­nasium sa Taft Avenue, Manila.

Hangad ng Junior Altas ni head coach Miguel Rafael na muling dominahin ang Baby Chiefs na kani­lang tinalo sa elimination round, 25-6, 25-10, 25-12, pa­tungo sa ina­asam na fi­nals berth.

Muling ibabandera ng Dr./Col Antonio Tamayo-ow­ned university sina John Eric Francisco, Louie Cha­vez, Philip Ba­galay, Isaac Visaya, Lesandro Dio­mangay, Joel Brito at ang kanilang Libero na si Jherald Martinez.

Winalis ng Junior Altas elimination round nang iposte ang matayog na 7-0 rekord.

Kabilang sa mga tinalo ng Las Piñas-based spikers ay ang semifinalists na SSC-R Staglets, EAC Brigadiers at ang Baby Chiefs sa single round robin.

Show comments