^

PSN Palaro

Patriots mas bumangis sa pagpasok ng Airasia

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines –  Nagkaroon pa ng bangis ang Philippine Patriots nang makuha nila ang suporta ng AirAsia sa ginagawang kampanya sa ikalawang taon ng ASEAN Basketball Lea­gue (ABL).

Pumasok na ang AirAsia bilang isa sa mga susuporta sa Patriots na nagtatangkang gumawa ng kasaysayan sa ligang suportado rin ng nasabing airline sa paghagip ng ikalawang sunod na kampeonato sa anim na bansang torneo.

Pormal na pinagtibay ang pagsasama ng AirAsia at Patriots kahapon sa seremonyang ginanap sa Hotel Intercontinental sa Makati City.

Mismong si AirAsia Group CEO Tony Fernandes ang lumipad mula sa Malaysia upang personal na lagdaan ang kasunduan kasama ng mga team owners ng Patriots na sina Dr. Mikee Romero ng Harbour Centre at businessman Tony Boy Cojuangco.

“Our partnership with the Patriots provides us with the opportunity to share in our guests’ passion and communicate our brand message in meaningfull but less intrusive way,” wika ni Fernandes.

Tatlong taon ang itatagal ng pagsasama ng dalawang grupo at ang AirAsia ay magkakaroon ng pagkakataon na magamit ang mga Patriots upang maipakita ang magandang imahe ng nasabing airline.

“It will provide us with a platform to connect and build a closer relationship with our guest in places and situations which they are most comfortable in,” dagdag pa ni Fernandes.

Ikinatuwa rin nina Cojuangco at Romero ang pagta­tambal dahil ang AirAsia ay isa sa sumisibol sa larangan ng airline industry habang ang Patriots ay nakitaan na ng husay nang dominahin ang Season I ng ABL.

Hinamon naman ni Romero ang Patriots na ipaki­t­­ang karapat-dapat sila sa pagtitiwala ng AirAsia sa pa­mamagitan ng pagsungkit ng titulo.

Ang buong kasapi ng Patriots sa pangunguna ni coach Louie Alas ay dumalo rin at mainit na tinugunan ng pagsang-ayon ang hangarin ni Romero na makuha ang titulong pinaglalabanan sa taong ito.

vuukle comment

AIRASIA

BASKETBALL LEA

COJUANGCO

DR. MIKEE ROMERO

FERNANDES

HARBOUR CENTRE

HOTEL INTERCONTINENTAL

LOUIE ALAS

MAKATI CITY

PATRIOTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with