^

PSN Palaro

Boxing license ni Margarito maibibigay na kaya ng CSAC?

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Malalaman sa Agosto 18 kung mabibigyan ba o hindi ng boxing license si Antonio Margarito ng California State Athletic Commission (CSAC).

Ang pagdinig sa apela ay gagawin sa nasabing araw at nananalig ang kampo ni Margarito na napatawad na siya ng CSAC nang madiskubre at napatunayan na gumamit siya ng ibang bagay upang mapatigas ang mga balot sa kamay nang kinaharap at natalo kay Shane Mosley noong Enero 24, 2009.

Ang CSAC ang siyang nagpataw kay Margarito ng isang taong suspension at kung hindi pa siya mabibigyan ng lisensya ay maaari naman siyang kumuha ng bago sa ibang boxing commission sa US.

Isa nga sa posibleng lapitan ni Margarito sakaling hindi mapaboran sa California ay ang Nevada State Athletic Commission.

“One thing is certain, the fight will come off. Guaranteed,” wika ni Top Rank promoter Bob Arum.

Nagkausap na nga sila ng may-ari ng Dallas Cowboys na si Jerry Jones at bagamat wala siyang binanggit sa napag-usapan, sinasabi namang payag na si Jones na sa kanyang venue gawin ang tagisan nina Margarito at Manny Pacquiao sa Nobyembre 13.

Pero hindi naman imposible na magbago ng isipan si Arum sa lugar na pagdarausan ng laban lalo na kung makakuha ng lisensya si Margarito sa California dahil nauna na niyang nasabi na nais niyang gawin ang laban sa MGM Grand sa Las Vegas.

“I don’t want to disrespect anybody or anything. California is going to decide on Wednesday and then whichever way California decides, various state commissions will decide whichever way they think is best,” paliwanag pa ng beteranong promoter.

Kung may lumabas ng desisyon sa apelang ito, agad na magpapatawag ng press conference si Arum upang pormal na maianunsyo ang Margarito-Pacquiao na labanan.

Para sa bakanteng WBC junior middleweight ang paglalabanan ng dalawang boksingero na ilalagay sa isang catchweight upang hindi madehado ang Pambansang kamao na pinupuntirya ang ikawalong world title.

vuukle comment

ANTONIO MARGARITO

BOB ARUM

CALIFORNIA STATE ATHLETIC COMMISSION

DALLAS COWBOYS

JERRY JONES

LAS VEGAS

MARGARITO

NEVADA STATE ATHLETIC COMMISSION

SHANE MOSLEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with