^

PSN Palaro

Patatagin ang kapit sa solong liderato misyon ng Lady Stags vs Altas sa Shakey's V-League

- Ni Mcinco -

MANILA, Philippines -  Makuha ang kanilang ika-apat na sunod na panalo at lalo pang paigtingin ang kapit sa liderato ang misyon ng San Sebastian ha­bang hangad naman ng Perpetual Help na makabawi sa dalawang sunod na kabiguan ngayong araw sa kanilang duwelo sa Shakey’s V-League.

Galing sa impresibong tagumpay laban sa Ateneo noong Huwebes, tatangkain ng Lady Stags na ma­kalayo sa standings at ipalasap sa Lady Altas ang kanilang ikatlong sunod na kabiguan sa pagbabalik-aksyon ng premyadong volleyball league ng bansa sa ganap na alas-2 ng ha­pon sa The Arena sa San Juan.

Tinalo ng San Sebastian ang noo’y kasalo nila sa unahan na Ateneo sa loob lamang ng tatlong sets, 5-22, 25-17, 26-24 sa pangunguna ni Thai im­port Jeng Bualee habang nanggaling naman ang Pe­rpetual sa kanilang ikalawang dikit na talo noon ding Huwebes laban sa NU sa loob ng tatlong sets, 14-25, 20-25 at 22-25.

Sa pag-aasam sa kani­lang ika-apat na tagumpay, muling sasandig ang tropa ni coach Roger Gorayeb kina guest players Jeng Bualee at Suzanee Roces at kina mainstays Jennelyn Belen, Melissa Mirasol, Joy Benito at Elaine Cruz.

Ang Miguel Rafael-men­tored Perpetual naman na nagnanais makabangon mula sa dalawang sunod na kabiguan ay muling pa­ngungunahan ni guest player Nica Guliman at nila mainstays Ronnery Dela Cruz, Sandra Delos Santos at April Santin.

Kasalukuyang may 3-0 win-loss card ang San Sebastian habang ang Per­petual ay mayroong 1-2 kartada.

Sa alas-4 laro naman, pawang nais makaba­ngon mula sa kabiguan ang pakay ng St. Benilde at Lyceum.

Tampok naman sa main event sa alas-6 ng gabi ang banggaan ng Adamson at Far Eastern University.

Ikatlong sunod na pa­nalo ang tangka ng Lady Falcons matapos ang 0-1 panimula habang ikalawang dikit na tagumpay naman ang asam ng Lady Tamaraws na sumampa sa win column ng kanilang talunin ang CSB noong na­karaang linggo. 

vuukle comment

ANG MIGUEL RAFAEL

APRIL SANTIN

ATENEO

ELAINE CRUZ

FAR EASTERN UNIVERSITY

HUWEBES

JENG BUALEE

JENNELYN BELEN

SAN SEBASTIAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with