^

PSN Palaro

Mexican rival dudurugin ni Casimero

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines -  Nag-pose sina Pinoy Johnriel Casimero at Mexican Ramon Garcia sa kanilang weigh-in kahapon.

Itataya ni Johnriel Casimero ang kawalan pa ng ka­biguan sa ring sa pagbangga niya sa Mexicanong si Ramon Garcia na gagawin ngayon sa Polideportivo Centenario sa Los Mochis Sinaloa , Mexico .

 Edad 20-anyos, si Casimero ay mayroong 14-0 karta kasama ang walong knockout na panalo.

Huling pinataob nito ay si Cesar Canchila ng Colombia noong Disyembre na nagselyo sa kanya bilang isa sa posibleng world champion ng bansa.

Sa ngayon siya ang WBO lightflyweight champion at kung manalo pa sa laban kay Garcia ay posibleng malin­ya sa title fight kontra kay Ivan Calderon na sasagupa naman sa isang WBO-WBA unification fight

Hindi naman pipitsugin si Garcia na kahit may 12-1-1 karta ay may walong pinatulog sa laban.

Ang dalawang magtutuos ay parehong nakapasok sa paglalabanang 108 lbs limit at sa eksaktong timbang pumasok si Garcia habang nasa 107.2 pounds naman si Casimero.

Tinaguriang Quadro Alas si Casimero dahil sa ang­king husay sa ring at ang huling dalawang naipanalong la­ban kontra kay Canchila at Arden Diale ay nangyari sa pamamagitan ng KOs .

Masisilayan din sa aksyon si Federico Catubay laban kay Rodrigo Guerrero ng Mexico na isang IBF super fly­weight eliminator.

Si Catubay ay tumimbang sa 114 pounds na siya ring timbang ni Guerrero.

vuukle comment

ARDEN DIALE

CASIMERO

CESAR CANCHILA

FEDERICO CATUBAY

GARCIA

IVAN CALDERON

JOHNRIEL CASIMERO

LOS MOCHIS SINALOA

MEXICAN RAMON GARCIA

PINOY JOHNRIEL CASIMERO

POLIDEPORTIVO CENTENARIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with