^

PSN Palaro

Unang panalo sa Shakey's V-League sinikwat ng Lady Tams

- Ni Manuel Cinco -

MANILA, Philippines - Matapos ang dalawang su­­nod na kabiguan, hindi na pi­nayagan pa ng Far Eastern University na madagdagan pa ang kanilang talo matapos ni­lang padapain ang College of St. Benilde sa ikalawang confe­rence ng Shakey’s V-League Season 7 sa The Arena sa San Juan.

Inangkin ng Lady Tamaraws ang kanilang kauna-unahang pa­nalo matapos dumapa sa Ate­neo at Lyceum, sa apat na sets na tagumpay kontra sa Blazers, 25-29, 25-17, 21-25 at 25-22.

Iginiya ni dating FEU standout at ngayo’y guest player na si Raquel Daquis ang Morayta-based spikers sa kanyang kinanang 25 points, 22 mula sa spikes at tatlo mula sa service aces. Tinulungan siya ng kapwa guest player na si Michelle Carolino na nagposte ng 20 points, 18 mula sa spikes at dalawa mula sa service aces.

Nagsalo naman sa 12 points sina Cherry Mae Vivas at Kathlene Magsumbol para sa FEU na hindi napakinabangan si Mo­nique Tiangco matapos mata­pilok sa unang set ng laban.

Binitbit naman ni mainstay Giza Yumang ang Lady Blazers sa kanyang 17 hits habang ang tambalan naman nila Rossan Fa­jardo at Cindy Optana ay may 24 points.

Kinuha ng Lady Tamaraws ang unang set ng laban matapos maghabol mula sa 17-12 na kalamangan ng Lady Blazers. Tinapos ni Michelle Carolino ang first set sa kanyang tatlong sunod na hits. Matapos nilang ku­nin sa madaling paraan ang ikalawang set, binigla sila ng Lady Blazers sa ikatlong set bago tuluyang kunin ang laro sa ika-apat na set.

Ang panalong ito ng kopo­nan ni coach Nes Pamilar ang pumutol sa kanilang 6-game lo­sing streak sa premyadong volleyball league sa bansa mula pa noong unang conference ng kasalukuyang season na inorganisa ng Sports Vision at suportado ng Shakey’s Pizza.

Nanatili naman sa duluhan ng standings ang Blazers sa kanilang 0-3 panalo talong kar­tada.

vuukle comment

CHERRY MAE VIVAS

CINDY OPTANA

COLLEGE OF ST. BENILDE

FAR EASTERN UNIVERSITY

GIZA YUMANG

KATHLENE MAGSUMBOL

LADY BLAZERS

LADY TAMARAWS

MICHELLE CAROLINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with