RP cue artist malakas ang tsansa na mawalis ang ginto sa Asiad
() - July 17, 2010 - 12:00am

MANILA, Philippines - Malaki ang tsansa ng mga local cue artists na ma­walis ang mga gintong medalya sa men’s at wo­men’s 8-ball at 9-ball si­­­n­gles ng 16th Asian Games sa Nobyembre 13-20 sa Games Town Gymnasium sa Guangzhou, China.

Ito ang prediksyon ni playing coach Efren “Bata” Reyes kaugnay sa paglalaro nina Francisco “Django Bustamante, Dennis Orcollo, Warren Kiamco, Rubilen Amit at Iris Ranola sa 2010 Guangzhou Asiad.

Ang 47-anyos na si Bus­tamante ang pinakahu­ling miyembro ng national team para sa quadrennial event matapos pagharian ang nakaraang 2010 World Pool sa Doha, Qatar kama­kailan.

Makakatuwang ni Re­yes sa 8-ball event si Roberto Gomez, samantalang sina Orcollo at Kiamco ang lalaro sa 9-ball class sa 2010 Guangzhou Asiad na sasabakan rin ng mga bi­gating pool players mula sa Chinese-Taipei, Japan at Singapore.

Si Bustamante ay mag­sisilbing reserved player ng national team, paglilinaw ni Reyes.

Ang iba pang miyembro ng koponan ay sina Marlon Manalo, Benjamin Guevara at Alvin Barbero (snooker singles and team), Rey Grandea at Barbero (English Billiards) at sina Grandea at Rodolofo “Boy Samson” Luat (Carom 3 Cushions singles). Ang iba pang nasa wo­men’s squad ay sina Ma­ry An Basas, Floriza An­dal at Zemonette Oryan (Snooker 6 Red Ball singles and team).

ALVIN BARBERO AN BASAS ASIAN GAMES BENJAMIN GUEVARA BOY SAMSON DENNIS ORCOLLO DJANGO BUSTAMANTE ENGLISH BILLIARDS GUANGZHOU ASIAD SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with