Aces may tsansa pa sa playoff para sa semis

MANILA, Philippines - Hanggat nananalo ay ma­nanatiling may tsansa ang Aces para sa ikalawa at huling outright semifinals seat.

Bumangon ang Alaska bu­hat sa isang 20-point deficit sa first half para ta­lunin ang Sta. Lucia, 103-95, sa second round ng PBA Fiesta Con­ference kahapon sa Araneta Coliseum.

 “It’s not in our control right now. We can’t control B-Meg Derby Ace and if we can’t get the playoff for the No. 2 spot, so be it,” ani coach Tim Cone sa kanyang Aces. “We will just look forward to get the best playoff seeding.”

May 11-6 baraha nga­yon ang Alaska sa ilalim ng semifinalist Talk ‘N Text (14-3), nagdedepensang San Miguel (12-5) at Derby Ace (11-5) kasunod ang Ginebra (9-7), Rain or Shine (7-9), Coca-Cola (7-9), Sta. Lucia (5-12), Air21 (3-13) at Barako Coffee (3-13).

Posibleng makakuha ang Aces ng playoff para sa No. 2 spot kung mananaig sila sa Beermen at matalo ang Llamados sa Gin Kings at Coffee Masters.

Itinala ng Realtors ang isang 20-point lead, 48-28, sa dulo ng first half bago nakalapit ang Aces sa 51-54 agwat sa halftime.

Show comments