^

PSN Palaro

Ateneo, Lyceum maghihiwalay

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Mapanatili ang malinis na karta sa Group B ang ha­ngad ng Lyceum at Ateneo habang ikalawang puwesto naman ang pakay ng UST sa kabilang grupo sa pagbabalik aksyon ng Shakey’s V-League Season 7 ngayon sa The Arena sa San Juan.

Ikatlong panalo ang pag­lalabanan ng Lady Pirates at Lady Eagles na ma­tutunghayan sa tampok na laro matapos magtapat ang UST at University of St. La Salle dakong alas-2 ng hapon.

Makabangon buhat sa unang kabiguan na tinamo sa San Sebastian ang sinisipat ng nagdedepensang Lady Tigresses sa kanilang laro sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng PLDT My DSL sa suporta ng Shakey’s Pizza.

Kung mananalo, mapag-iibayo ng UST ang ka­salukuyang karta na 2-1 bukod pa sa pagtulak sa USLS sa ikalawang ka­biguan sa tatlong laro at makatabla ang pasok na rin sa quarterfinals sa Group A na Southwestern University.

Tiyak na mainit na pagtutuos ang matutunghayan sa tagisan sa tampok na laro dakong alas-4 sa ligang suportado rin ng Accel, Mikasa at Mighty Bond.

Tampok na tagisan ang nakasentro sa dalawang Thai imports ng magkabi­lang koponan na kung sa­an si Sontaya Keawbundit ang babandera sa Ateneo habang si Porntip Santrong naman ang mangunguna sa Lyceum.

vuukle comment

ATENEO

GROUP A

GROUP B

LADY EAGLES

LADY PIRATES

LADY TIGRESSES

MIGHTY BOND

PORNTIP SANTRONG

SAN JUAN

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with