Maibalik ang dominasyon sa SEAYBST asam ng ILLAM

MANILA, Philippines - Hahangarin ng International Little League Association of Manila (ILLAM) na manumbalik ang pagdodomina sa South East Asia Youth Baseball and Softball Tournament (SEAYBST) na ginagawa na sa Jakarta, In­donesia.

Ang ILLAM ay overall champion ng liga mula 2005 hanggang 2008 pero noong nakaraang taon ay naisahan sila ng Singapore na ginawa naman sa Ateneo de Manila University grounds.

 “I’m happy to say that our solid grassroots program for baseball and softball has reaped us rewards and recognition,” pagmamalaki ng ILLAM president na si Rene Banzon.

 Limang koponan ang ipina­dala ng ILLAm para lumahok sa 11 to 18 years old categories sa isang linggong kompetisyon na sinalihan din ng Bangkok, Perth, Jakarta at Singapore.

Ang mga kategoryang pi­nag­lalabanan ay minor, major at senior sa baseball at major at senior sa softball. Sumusuporta sa koponan ang Aboitiz Power Corp, Globe Telecom, Fast logistics, Pilmico Foods, Belman Laboratories at First Life. 

Show comments