^

PSN Palaro

Spirits sasampa na sa semis

-

MANILA, Philippines - Bukod sa kanilang pang limang sunod na panalo, ha­ngad rin ng mga Spirits na masikwat ang unang semifinals ticket.

Haharapin ng Cossack Blue ang Pharex B Complex ngayong alas-4 ng hapon matapos ang sal­pukan ng AddMix at Ani-FCA sa alas-2 sa elimination round ng 2010 PBL PG Flex-Erase Placenta Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Kasalukuyang hawak ng Spirits ang liderato sa likod ng kanilang 4-0 bara­ha kasunod ang Pharex Fighting Maroons (3-1), Excelroof 25ers (3-1), Cobra Ironmen (3-1), Fern-C Ferntastics (1-3), Transfor­mers (1-3), Ascof Lagundi Cough Busters (1-3) at Cultivators (0-4).

Pinitas ng Cossack ni coach Rene Baena ang kanilang pang apat na su­nod na panalo nang ta­kasan ang Ani-FCA, 70-69, tampok ang 18 puntos ni James Martinez, noong Huwebes.

Bukods kay Martinez, muli ring aasahan ng Asia Brewery franchise sina Paul Zamar, Earn Saguindel, Jay-R Taganas at Raffy Reyes katapat sina Vic Manuel, Woody Co, Marlon Adolfo at Arvie Braganza ng Fighting Maroons.

Umiskor ang Pharex ni Aboy Castro ng isang 103-89 paggiba sa sister team na Ascof Lagundi noong nakaraang Sabado.

Sa naturang tagumpay ng Fighting Maroons, tumipa si Manuel ng game-high 27 puntos.

Sa Final Four, ang dalawang mangungunang koponan matapos ang eliminasyon ang siyang kukuha ng ‘twice-to-beat’ advantage kontra No. 3 at No.4 teams.

vuukle comment

ABOY CASTRO

ARVIE BRAGANZA

ASCOF LAGUNDI

ASCOF LAGUNDI COUGH BUSTERS

ASIA BREWERY

COBRA IRONMEN

COSSACK BLUE

EARN SAGUINDEL

FERN-C FERNTASTICS

FIGHTING MAROONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with