Jr. NBA Open Clinic sa MOA

MANILA, Philippines - Isang Open Clinic ng Jr. NBA Philippines Program ang idaraos ng Hi-Smart Multivitamins sa Pebrero 27 sa SM Mall of Asia Music Hall mula als-10 ng umaga hang­gang alas-7 ng gabi.

Sa Open Clinic, maaaring makasali ang mga mall goers sa basketball skills challenges na kagaya sa naka­raang NBA All Star Games sa Dallas, Texas.

Ito rin ang mga skills tests na ibibigay sa 2009-10 Jr. NBA Philippines Program para sa Regional Selection Camps na gagawin sa Cebu, Davao at Manila sa Marso 7, 14 at 21, ayon sa pagkakasunod.

Ang Open Basketball Clinic ay bukas sa lahat ng part­isipante.

Ito ang ikalawa sa apat na Jr. NBA Open Clinics na idaraos sa Maynila ngayong Pebrero bilang paghahanda para sa Jr. NBA Regional Selection Camps sa Marso.

Ang unang Open Clinic ay isinagawa sa SM North EDSA Annex noong Pebrero 6.

Matapos ang MOA Open Clinic, dadalhin naman ang Open Clinics sa Pebrero 27 at 28 sa SM Fairview.

Sina coaches Ryan Gregorio at Ronnie Magsanoc ang mangunguna sa open clinics.

Show comments