Reyes-Chao Face-Off Series 3, PPV na

MANILA, Philippines - Isang panibagong milestone ang tatama sa Philippine billiards, sa pagkakaroon ng pay-per-view sa nalalapit na sagupaan nina Efren “Bata” Reyes at Asian pool legend na si Chao Fong-Pang sa “Face Off-Series 3”-The Grandmasters” sa Oktubre 28 at 29 sa Club Capo Exclusive, Tomas Morato, Quezon City.

Base sa maraming kahilingan ng mga manonood sa labas ng bansa nagka-ideya si Bugsy Promotions head Perry Mariano sa ganitong sistema.

“We’ve been exploring long before and now we’ve decided to make it a go as we feel that it’s a perfect to start it with the match between Efren and Chao, which is a very intriguing one and everybody in the billiards world are excited to see,” ani Mariano,

Ang PPV ay makukuha sa halagang $19.99 at maaring makabili sa pamamagitan ng www.clubcapo.tv dakong alas-6 hanggang alas-8 ng gabi.

Ang two-day match ay isang race-to-50 9-ball affair na katatampukan ng magagling na personalidad sa larangan ng bilyar. Ang nagdaang laban na handog ng Face Off Series at Club Capo ay ang showdown sa pagitan nina former world no.1 Dennis Orcollo at Taiwanese “Son of Pool” Yang Ching-shun noong Setyembre 8 at 9 kung saan nagwagi ang Pinoy sa 50-45 decision. (SNFrancisco)

Show comments