Realtors nakisosyo sa liderato

MANILA, Philippines - Kinubra ng Sta. Lucia Realty ang ikalawang sunod na panalo upang makisalo rin sa liderato matapos igupo ang Rain Or Shine, 95-90 sa overtime sa ikalawang laro ng PBA Philippine Cup sa Cuneta Astrodome, kagabi.

Matapos kunin ng Sta. Lucia ang 84-82 kalamangan sa three point play ni Kelly Williams, 8.8 segundo na lamang, itinabla ni Gabe Norwood ang iskor, 2.7 segundo na lamang sanhi ng overtime matapos mabigong maka-shoot si Williams.

Muling pinangunahan ni Kelly Williams ang Realtors sa pagkamada ng 28-puntos para sa pagsulong ng Realtors sa 2-0 kartada para makasama sa liderato ang Alaska, Ginebra at Talk N Text habang nalasap ng Elasto Painters ang ikalawang sunod na talo.

Pinatulungan nina Williams, Gabby Espinas at Joseph Yeo sa pagkuha ng defensive fouls upnag igupo ang Elasto Painters.

Smart Gilas yuko sa Texters

Sa inisyal na laban, Binigyan ng Talk N Text ang Smart Gilas team ng magandang laban, habang naramdaman national youth pool ang pagkawala ni CJ Giles na ilang minuto lamang naglaro na naging daan sa magaang 103-70 panalo ng Tropang Texters.

Humataw sa ikalawang quarter ang Talk N Text at hindi na lumingon pa tungo sa kanilang ikalawang sunod na panalo.

Pinangunahan ni Mark Cardona ang Tropang Texters sa kanmyang 16-puntos kasunod si Jimmy Alapag na may 14 upang ipalasap sa Smart Gilas ang ikalawang sunod na talo.

“We caught a break when Giles played at the start and did not play the rest of the game,” pahayag ni coach Chot Reyes ng Talk N Text na matagumpay na nasundan ang 85-76 panalo sa Rain Or Shine noong nakaraang linggo. “Plus came with a lot of energy and we did our gameplan.”

Matapos maglaro ng limang minuto sa unang quarter, hindi na bumalik uli si Giles na dumagdag sa pagkawala ni Chris Tiu na may injury sa kanang quadriceps.

Bagamat tinambakan ng husto ng Tropang Texters ang Smart Gilas, sinabi ni Reyes na may nakikita pa rin siyang potensiyal ang national youth team na guest team lamang ng liga bilang bahagi ng kanilang training.

Show comments