RP Patriots vs Singapore Slingers

SINGAPORE – Tangka ng Philippine Patriots ang kanilang unang back-to-back wins sa pakikipagharap sa Singapore Slingers ngayon sa ASEAN Basketball League (ABL) Invitational Championship sa Singapore Indoor Stadium dito.

Makakaharap ng Patriots, dumating dito kahapon, ang Slingers sa alas-4:00 ng hapon na hangad masundan ang 76-69 panalo sa Satria Muda Britama ng Indonesia sa kaisa-isang opening game noong Sabado sa Indonesia.

Inaasahan nina team manager Erick Arejola at assistant coaches Bogs Adornado at Ryan Dy ang mahigpit na laban kontra sa Slingers na malaki na ang improvement.

Ang mananalo ngayon ang hahawak ng liderato sa 6-nation home-and-away, triple-round elimination format.

Show comments