San Beda tumatag pa

MANILA, Philippines - Pinagtuunan ang aspirasyon na mapalakas ang kampanya sa Final Four, nilampaso ng reigning three peat titlist San Beda ang Angeles U Foundation, 113-79 para sa pagpa-patuloy ng 85th NCAA basketball tournament sa The Arena, San Juan City.

Nagtulong upang iusad ang ika-sampung panalo sa loob ng 11 laban, pinagsama-sama ang 60 points, 35 rebounds, 8 assists at 4 blocks nina Dave Marcelo, Sudan Daniel, Jay-R Taganas at Jake Pascual upang kitilin ang pag-asa ng guest team na Angeles.U.

Tatlong panalo na lamang ang kinakailang ng Mendiola-based cagers para masiguro ang pwesto sa Final Four kung kaya’t determinado ang Bedans na madomina ang laban.

Sa kabilang banda, ito naman ang ikalabing isang pagkakataon na nalaglag ang Great Danes.

Samantala, para sa pagpapatuloy ng aksiyon sa juniors division, nadaig ng San Beda ang Angeles Foundation, 168-24 sa isang tambakang labanan na nagpanatili sa ikalawang posisyon ng Bedans.

Pinamunuan ni Roldan Sara na bumato ng 30 points ang pagbugbog sa kulelat na AUF, habang nagdagdag pa sina Arthur dela Cruz at Raphael Nayve ng 19 at 18 points, ayon sa pagkakasunod para ibaon ang kalabang guest team.

Habang naitakas naman ng Mapua ang tagumpay sa kamay ng Jose Rizal, sa iskor na 94-91 sa labang nangailangan pa ng ekstrang oras na nagbigay sa Red Robins ng pangalawang panalo.

Hanggat’ maaga ay pinaghahandaan na ni Lim ang pinakahihintay na muling pagsasagupaan ng Lions at Bombers na nakatakdang umeksena sa Sept.16, habang una munang mapapanood ang laban sa pagitan ng Lions at Altas sa Setyembre 4 na susundan pa ng laro kontra Arellano Chiefs sa Setyembre 9.

Sa sumunod na laban, nagtulong naman sina John Wilson at Mark Cagoco nang dispatsahin ng Jose Rizal U ang Mapua, 72-59 para palakasin ang kanilang baraha sa 10-2. (Sarie Nerine Francisco)

Show comments