UST babangon vs UP

MANILA, Philippines - Matapos sumemplang ng dalawang beses, haharapin ng University of Santo Tomas ang panibagong pag-asa sa pakiki-pagsagupa nito sa University of the Philippines sa pagpapatuloy ng 72nd UAAP basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Dala ng sama ng loob sa nagdaang laban sa double overtime kontra La Salle, 92-101, at nakakadismayang pagluhod sa Far Eastern University, 63-90, sisikaping makaahon ng Tigers sa pagkakalubog at makasikwat ng five game winning streak laban sa State U at imarka ang 3-3 baraha sa ikalimang spot.

Matapos ang kontro-bersyal na isyu, tinatayang isa sa mga dahilan ng pagkatalo ng UST ay ang pagkakatawag ng technical sa skipper na sina Dylan Ababou at Khasim Mirza na nalimitahan sa 10 points na malayo sa karaniwan nilang naiambag.

Bagamat nabigo sa pakakikipagtipan sa double overtime kontra UE noong Huwebes, taglay pa rin ang natatagong tikas nang maigupo ang nangungunang Ateneo.

Sisikapin ng UP na mu-ling maipuslit ang panalo. Dakong alas-dos ng hapon sisiklab ang tensyon sa pagitan ng Adamson at NU na kapwa nasa ilalim na agad namang susundan ng sagupaan ng UST at UP sa ganap na alas dos ng hapon.

Asam na makahabol sa Final Four, aararuhin ng Falcons at Bulldogs ang pagkubra sa tagumpay.

Dahil dito isang mainitang pagtatagpo ang inaasahang magaganap para mapagbuntunan ng Falcons ang NU sa kasawiang natamo. (SNFrancisco)

Show comments