Tour de Cagayan sa Mayo 10-14

MANILA, Philippines – Papadyak na ang pinakahihintay na Tour De Cagayan sa Mayo 10-14 na pakakawalan sa Pasig City Hall at dadaluhan ni Senate president Juan Ponce Enrile.

Ang naturang cycling event ay naglalaman ng kabuuang P1.3 milyong premyo kung saan ang P100,000 rito ay mapupunta sa kampeon at tatanggap naman ng Mountain King title ang makakapanhik sa matarik na Dalton Pass.

Ang 70 siklista ay magsisimula sa Pasig City Hall at babaybay sa Tarlac City, sa Aritao, Cagayan, sa Santiago, Isabela, sa Tuguegarao at sa Sta. Ana, Cagayan via Aparri.

Halos 850 kilometro ang papadyakin ng mga siklista para sa kabuuang karera.

Makakasama ni Enrile sa flag off sa alas-8 ng umaga sa Mayo 10 sa Pasig City Hall si Cagayan Economic Zone Authrotity (CEZA) chairman Sec. Jose Mari Ponce.


Show comments