Cebu batters solo sa unahan

Sumandal ang Series II champion Cebu sa four-run splurge sa ilalim ng third inning nang kanilang igupo ang Manila, 5-3, kahapon upang makopo ang solo lead sa Baseball Philippines’ Series IV sa Rizal Baseball Stadium.

Nagpakawala si Migs Corcuera ng two-run double sa centerfield para kumpletuhin ang four-run blitz sa third at naasahan naman sina pitchers Joseph Orillana at Jerome Bacarisas, na pumalit kay Jeff Ardio, para sa ikaapat na panalo ng Dolphins sa limang games.

Na-sweep ng Cebu ang Manila sa kanilang two-game elimination round series matapos ang inulang 7-3 victory noong Sabado.

Ang kabiguan ay ikalima ng Sharks sa ligang inorganisa ng Community Sports Inc. at sponsored ng Mizuno, Gatorade, Pure-foods TJ Hotdogs, Welcoat Paints, Industrial Enterprises, Inc., Harbour Centre, The Heritage Park at Agility Logistics.

Nagpakawala naman ang Forward Taguig, ng four runs sa ilalim ng ninth, tampok ang two-run double ni catcher Melvin de Castro para sa come-from-behind 8-7 panalo ng Patriots laban sa Series III titlists Batangas Bulls para sa 3-1 mark.

Show comments