‘We’re on track’-- Cojuangco

BEIJING -- Hinikayat ng mga opisyal ng Pilipinas ang mga Pinoy athletes na ibigay ang lahat ng kanilang makakaya matapos mabigo ang isang Filipino entry at may dalawang sasabak ngayon sa Day 3 ng Beijing Olympics.

“So far, it’s going as expected,” sabi ni Philippine Olympic Committee president Jose ‘Peping’ Cojuangco na hindi inalintana ang pagkabigo ni Eric  Ang sa shooting at kumpiyansa ito na makakapaghatid ang Philippine contingent ng medal mula kina boxer Harry Tañamor at taekwondo jins Tshomlee at Toni Rivero.

Sasabak si Tañamor sa first round ng 48 kgs. (flyweight) sa Miyerkules. Sa Aug. 18 pa darating dito si Go para sa kanyang Aug. 20 match at sa Aug. 22 naman si Rivero na darating sa Aug. 20.

Sasabak naman si James Walsh sa pool ngayon sa pagsisimula ng kampanya ng limang US-based tankers sa 200m butterfly sa National Aquatics Center.

Tangka naman higitan ni Miguel Molina, ang 2007 Southeast Asian Games quadruple gold medallist, ang kanyang personal best time sa heats ng 200m breaststroke at sasabak din si Christel Simms, ang future ng Philippine swimming. (Gerry Carpio)

Show comments