^

PSN Palaro

Matamis ang ngiti ng Hapee

-

Hindi hinayaan ng Hapee Toothpaste na magtagumpay ang paghahabol ng  Pharex sa final half upang makaganti sa pamamagitan ng 90-84 panalo sa 2008 PBL Lipovitan Amino Sports Cup sa The Arena sa San Juan.

Umiskor ng mahahalagang baskets sina Jervy Cruz at Fil-Am Gabe Norwood sa endgame na naging susi ng ikaapat na sunod na panalo ng Complete Protectors, ikawalo sa kabuuang 11-laro para sa ikalawang puwesto sa likod ng defending champion Harbour Centre na may malinis na 8-0 kartada.

Nauna rito, sumandal naman ang San Mig Coffee sa mainit na shooting ni Neil Raneses upang igupo ang Noosa Shoes, 80-73, para sa kanilang ikatlong sunod na panalo na siya nilang pinakamahabang streak na huli nilang nagawa sa 2006 Heroes Cup.

Nanguna ang 6-foot-4 na si Raneses, nagsumite ng career-high 29 points sa 86-82 panalo laban sa Bacchus Energy Drink, sa kanyang 20 points, kabilang ang apat na sunod na puntos sa stretch.

Umangat ang Coffee Kings sa 5-5 record katabla ang Pharex habang nalaglag ang Shoe Kings sa 4-6 kartada.

Matapos makalapit ang Medics sa 77-83  papasok sa huling 4:10 minuto ng labanan, nagtulong sina Norwood at Cruz sa 7-0 blast upang higit na lumayo sa 90-77 halos dalawang minuto na lamang ang natitira. (Mae Balbuena)

vuukle comment

COFFEE KINGS

COMPLETE PROTECTORS

FIL-AM GABE NORWOOD

HAPEE TOOTHPASTE

HARBOUR CENTRE

HEROES CUP

JERVY CRUZ

LIPOVITAN AMINO SPORTS CUP

MAE BALBUENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with