Sayang si Tipon

BANGKOK — Pinatik-man na naman ni Thai ace Worapoj Petchkoom si Joan Tipon ng isang masaklap na kabiguan, 9-6 upang makakuha ng slot sa Olympics na tuluyang bumokya sa RP PLDT-Smart boxing team sa first AIBA Asian Olympic qualifying dito.

Sinikap maghabol ni Tipon sa pamamagitan ng sunud-sunod na suntok sa ikaapat na quarter ngunit sapat lamang ito para makalapit sa 6-8 dahil hindi niya napa-impress ang mga judges kahit na naikonekta nito ang mga solidong suntok sa mukha kaya naitakas ni Petchkoom ang panalo.

“Konti pa. Medyo kasi nalamangan agad kaya nahirapan ng humabol,” ani coach Pat Gaspi.

Sa likod ng tatlong puntos na panalo ni Petchkoom, pareho din ang magiging resulta ng laban dahil nabigyan pa ng dalawang puntos ang Thai fighter sa kanyang mahihinang suntok gayunpaman ay patas ang naging panalo ng Athens Olympics silver medallist.

Dahl dito, walang mai-uuwing medalya ang five-man RP PLDT-Smart boxing team at bigo sa kanilang target na Olympic berths.

“This is just a temporary setback. But we will bounce back,” ani boxing chief Manny Lopez na kinailangan pang humingi ng tulong sa AIBA (International Boxing Federation) para makasali sa torneong ito matapos tangkaing idisqualify ng Thai organizers ang mga RP boxers na di agad nakapagrehistro.

Hindi na sana luma-sap ng kahihiyan ang mga RP pugs kung hindi sila nagpilit na sumali.

Ang lahat ng tamang ginawa ni Tipon  para bugbugin ang Pakistani na si Mukamamad Ali sa quarters ay nabigo niyang gawin kontra kay Petchkoom na naging maingat sa kanyang diskarte.

Sa labanan ng top caliber fighters ng rehiyon sa bantamweight division, hindi naging intensibo ang labanan dahil halos hindi gaanong nagpana-bong  sina Tipon at Petchkoom  na parehong nagsusukatan.

Sa katunayan, dalawang beses na pinagsabihan ni referee Potiev Nurmuhammed ng Turkmenistan ang dalawang fighters na magsabong.

Umiskor si Petchkoom sa sandaling palitan ng suntok sa gitna sa opening round at bitbit niya ang 1-0 kalamangan sa 1-0 lead  second round kung saan umiskor sa counter punches ang Thai sa tuwing pinupuntirya ni Tipon ang katawan.

Dahil sa suporta ng home crowd, kinuha ni Petchkoom ang  4-1 lead sa third ay nakaipon ng puntos kay Tipon na umiskor lamang ng isang puntos, tungo sa kanyang 6-2 lead sa fourth.

May malaking grupo din ng mga Pinoy na nagcheer kay Tipon na umatake sa dakong huli ngunit hindi lahat iniskuran nina judges J. Dolmayos ng Hungary, Takeo Tachikawa ng Japan, M. Budkiv ng Russia, Mohamed Zahra ng Syria at Taiwanese Chen Jingming.  (Dante Navarro)

Show comments