5th win kinamada ng Manila Sharks

Humataw ng isang kapana-pana-bik na 5-3 panalo ang Manila Sharks laban sa Dumaguete Unibike para sa kanilang ikalimang tagumpay sa Baseball Philippines na ginanap sa Rizal Memorial ballpark.

Nagsilbing bayani si Jarius Inobio nang sa pamamagitan ng double sa 11th inning ay maka-iskor sina Justin Torio at Jake Ilao.

Mula sa 3-all sa patatapos ng regular 9-inning kapwa hindi naka-iskor ang dalawang team sa unang extra inning na humantong sa isa pang extra inning kung saan sinimulan ni Torio  ng walk at sinundan siya ni Ilao sa isang throwing error ng pitcher na si Jay Aranzazo sa third base at makausad si Torio sa 3rd base at si Ilao naman sa second base.

Dahil sa kanilang panalo, ang Sharks ay napanatili ang kanilang solong pangunguna sa kartang 5-2 panalo-talo  sa torneo na sponsor ng Purefoods TJ Hotdogs, Philippine Sports Commission, Mizuno Sports, Harbour Centre, Industrial Enterprises, Philippine Transmarine Carriers, Fort Bonifacio Development, Forward Taguig, Philippine Olympic Committee, Gerry Davies Sports at Go Nuts.

Sa unang laro, tinalo ng Cebu ang Taguig, 9-0 nang hindi man lang huma-wak ng bat ang mga Cebuano dahil sa hindi nakasipot ng kumpleto ang Taguig. (Anatoly dela Cruz)

Show comments