EH BAKIT KAYO LALABAS PA NG PINAS?

Magiging bobo at tanga ba ang mga players ng Argentina o Spain o US kung sa Pilipinas sila mag-training para sa Olympics?  Bakit nga ba sa isang simpleng labanan lang sa SEABA eh may nga nagpupumilit pa rin  na all-professional players ang ipadala ng Pilipinas?

Bakit nga ba?

Eh kahit na all-amateur team ang ipadala mo dyan, mananalo ang RP team sa labanang yan. What are we trying to prove to the basketball world after all if we send an all-pro team? May nagmamadali ba tayong dahilan para magpakita sa mundo ng basketball? Palagay ko, wala naman. Why do we have to risk our play-for-pay profes-sional cagers in a tournament that even our top UAAP team can win handily and easily? Kung may mag-suggest man ng half-pro at half-amateur na composition para sa national team na ipapadala dyan sa SEABA, bakit kailangang huwag nating payagang mabuo? Why so much importance on our professional players?

Bakit nga ba?
* * *


Why the need for a professional coach to handle a national team? Bakit nga ba? Why always push for a professional coach? Bakit nga bang lagi na lang? Ha, bakit nga ba? Wala na bang ibang magaling? Wala na bang ibang may program? Wala na bang ibang may kaalaman ding maayos, o baka mas maayos pa nga, sa basketball?

Bakit nga ba?
* * *


 Parang kailan lang nung isinusuka nila ang mga Fil-Am players na yan na kung tawagin nila ay Fil-shams. Ilang buwan at taon bang pinagtalunan ang tungkol sa issue na yan na umabot pa sa Senado at Kongreso? Sinuspinde ba sa paglalaro nila at pinauwi sa Amerika, at yang mga yan, umuwing pabalik sa bayan nila na hiyang-hiya sa nangyari sa kanila sa Pilipinas. Kamukat-mukat mo, isa-isa ring nagbalikan at muling pinaglaro, at ngayon, hayan pa ang napakagarang premyo nila-- nasa national team pa sila na pagkakagastusan ng tumataginting na P70 million, sa training pa lang yan ha. Nasaan na nga ba ang mga local players na noo’y nagkaisa pa kuno na nakipaglaban para lang paalisin ang mga itinuturing nilang Fil-shams?

Nasaan na sila?
* * *


Kailangan ka pang gumastos ng P70 million para lang mag-training ang isang basketball team na pinapangarap nating makaabot sa Olympics? Sa panahong milyong-milyong Pilipino ang walang makain at laging gutom, at saka pa natin ipinangangalandakan na gagastos tayo ng P70 million para lang sa training team na yan? Mabuti pa ang mga tumatakbong Senador na kahit gumastos ng milyon-milyon sa kampanya nila, at least nasa Pilipinas pa rin ang pera at dito sa atin umiikot. Eh ang national training team na ito, sa labas uubusin ang malaking parte ng P70 million. Ano ba ang pagkakaiba kung mag-training ka dito sa Pilipinas? Iba ba ang ring sa Amerika? Iba ba ang bola sa ibang bansa? Iba ba ang tabla ng basketball court sa ibang bayan? Pag nag-lecture ba ang coach na nasa ibang bansa siya, mas gumagaling ba ang mga players niya? Mas madali bang naiintindihan ng mga players ang itinuturo sa kanilang plays at strategies ni coach kapag nasa ibang bansa siya?

Now tell us please--Magiging bobo at tanga ba ang mga Olympic basketball players ng China o ng Amerika o Argentina o ng Yugoslavia o ng Greece o ng Spain kung sakaling dito sila sa Pilipinas mag-training on the way to the Beijing Olympics in 2008?

Natural hindi.

 Dahil wala naman yan sa lugar, kundi nasa talento ng players. Magiging Kobe Bryant ba ang mga players natin kung sa abroad sila magte-training? Magiging kasing galing na ba si Steve Nash o ni Allen Iverson ang mga players natin kung gastusan mo man ng P40 million ang mga players natin sa training? Natural, hindi.

Oh come on, "messiahs"  of Phil. basketball.....

Ilang hotdogs, beer, gin, gatas, softdrinks, energy drink, sim card, texts, etc etc ang kailangang bilhin ng mga Pilipino para mabuo lang ang perang gagastusin para dyan sa national team na yan na majority ng mga players eh hindi naman talaga nakatira dito sa Pilipinas? 

Oh come on.......

 

Show comments